Nangulo Pebrero 6,2020 si Premyer Li Keqiang ng Tsina ng pulong ng leading group sa paglaban sa novel coronavirus (2019-nCov).
Iniharap sa pulong na sa kasalukuyan, dapat isagawa nang mabuti ang pagpigil at paglaban sa epidemya sa lalawigang Hubei, partikular na, sa lunsod Wuhan. Patuloy na daragdagan ang suporta sa mga medikal na tauhan, at igagarantiya ang mga pangunahing materyal na medikal.
Tinalakay sa pulong na nagiging matatag sa kabuuan ang kalagayan ng kumpirmadong kaso ng mga nahawa sa mga lugar ng Tsina bukod sa Hubei. Tinukoy ng pulong na para sa naturang mga lugar, kasabay ng pagpigil ng epidemya, dapat maayos na panumbalikin ang pagpoprodyuse para mapangalagaan ang normal na kaayusang panlipunan.
Salin: Sarah