Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, nitong Sabado, ika-8 ng Pebrero 2020, 2,656 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus (2019-nCoV) sa mainland ng Tsina. Samantala, 3,916 ang bagong pinaghihinalaang kaso, 600 ang gumaling, at 89 naman ang namatay.
Ayon pa rin sa estadistika, hanggang kahapon ng hatinggabi, umabot na sa 37,198 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa mainland ng Tsina, at 28,942 ang pinaghihinalaang kaso. Samantala, 2,649 ang gumaling, at 811 ang namatay.
Salin: Liu Kai