Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamamaril sa Thailand, 22 patay at 42 nasugatan

(GMT+08:00) 2020-02-09 15:52:55       CRI

Naganap kahapon, Sabado, ika-8 ng Pebrero 2020, sa lalawigang Nakhon Ratchasima sa hilagang silangan ng Thailand, ang madugong pamamaril, na ikinamatay ng di-kukulangin sa 22 katao, at ikinasugat ng 42 iba pa. Pinatay kaninang madaling araw ng mga armadong pulis ang gunman, pagkaraan ng 18 oras na komprantasyon.

Ayon sa Thai media, ang may kagagawan ay sundalo sa isang base militar sa naturang lalawigan. Ninakaw niya ang mga sandata at munisyon, at pinatay ang kanyang opisyal at dalawang kasama. Pagkatapos, tumakas siya sa isang shopping mall, at dinakip ang ilang hostage roon, para makipagkompranta sa panig pulisya.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi alam ang motibo niya.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>