Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina sa Amerika: dapat igalang ang kasaysayan at pundamental na katotohanan ng relasyong Sino-Amerikano

(GMT+08:00) 2020-02-12 09:49:21       CRI
Tinukoy nitong Martes, Pebrero 11, 2020 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pananalita kamakailan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika tungkol sa Tsina, ay nagbabalewala sa kasaysayan at katotohanan ng relasyong Sino-Amerikano. Puno aniya ng mentalidad na "Cold War" at may pagkiling na pulitikal ang mga sinabi ni Pompeo, at buong tindi itong tinututulan ng panig Tsino.

Ani Geng, sa sandaling nanumbalik ang Tsina at Amerika ang relasyong diplomatiko, malinaw nilang nabatid na magkaiba ang sistemang pulitikal ng dalawang bansa. Ito ang dahilan kung bakit ipinagdiinan sa Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika na dapat palagiang igalang ang isa't-isa, di panghimasukan ang mga suliraning panloob ng isa't-isa, at pantay na pakitunguhan ang isa't-isa.

Sinabi niya na nitong mahigit 40 taong nakalipas sapul nang mapanumbalik ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika, bamaga't nakakaranas ng paggalaw ang relasyon ng dalawang bansa, umuunlad pa sa kabuuan ang kanilang relasyon, bagay na nakakapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at malakas na nakakapagpasulong sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigdig. Ito aniya ay di-mapapabulaanang katotohanan.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>