Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

WHO: COVID-19, pandaigdig na tawag para sa novel coronavirus pneumonia

(GMT+08:00) 2020-02-12 10:17:39       CRI
Ipinatalatas kahapon, Martes, ika-11 ng Pebrero 2020, sa Geneva, Switzerland, ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), ang pandaigdig na tawag para sa novel coronavirus pneumonia, at ito ay COVID-19.

Ipinaliwanag ni Ghebreyesus, na napili ang tawag na ito, dahil wala itong kinalaman sa mga lugar, hayop o tao, para maiwasan ang stigma o pagdungis sa kanino man. Ang paraang ito aniya ay puwedeng gamitin para pangalanan ang ibang mga sakit.

Sinabi rin ni Ghebreyesus, na posibleng matapos sa loob ng darating na 18 buwan ang paggawa ng unang bakuna laban sa COVID-19. Kaya aniya, sa kasalukuyan, dapat labanan ang sakit na ito sa pamamagitan ng lahat ng magagamit na paraan, at maghanda para sa isang matagal na pakikibaka.

Ipinatawag ngayon ng WHO ang isang pandaigdig na porum na nakatuon sa novel coronavirus pneumonia. Kalahok sa Geneva o sa pamamagitan ng video link ang mahigit 400 siyentista mula sa buong mundo. Layon nitong itakda ang roadmap para sa paglaban sa sakit na ito, dagdag ni Ghebreyesus.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>