Geneva — Nang kapanayamin ng mamamahayag ng China Media Group (CMG), ipinahayag nitong Huwebes, Pebrero 13, 2020 (local time) ni Robert Steffen, eksperto ng World Health Organization (WHO) sa pagpigil sa epidemiya, na sanhi ng isinasagawang napakalaking pagsisikap ng Tsina sa pagkontrol at pagpigil ng kalagayang epidemiko ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), optimistiko siya sa pagkontrol sa kalagayang epidemiko sa bandang huli.
Ipinalalagay niya na dahil noon nakolekta ng Tsina, WHO, at buong daigdig ang napakaraming karanasan, ito ang nagiging pundasyon ng kanyang optimistikong atityud sa harap ng naturang epidemiya.
Samantala, tinukoy din niya na maaring maganap ang mutasyon ng COVID-19, kaya kailangang isaayos nang mabuti ang mentalidad. Huwag paluwagin ang pagmamatyag sa pang-aarw-araw na pamumuhay, saad pa niya.
Salin: Lito