Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping: pabutihin ang mekanismo ng pag-iwas at pagkontrol sa malalang epidemiya

(GMT+08:00) 2020-02-15 08:03:21       CRI
Hiniling kahapon, Biyernes, ika-14 ng Pebrero 2020, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na pabutihin ang mekanismo ng pag-iwas at pagkontrol sa malalang epidemiya at sistema ng pambansang pangangasiwa ng di inaasahang banta sa kalusugang pampubliko.

Iniharap ni Xi ang kahilingang ito, sa ika-12 pulong ng Central Committee for Deepening Overall Reform, na pinanguluhan niya bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina.

Binigyang-diin ni Xi, na ang pangangalaga sa buhay at kalusugan ng mga mamamayan ay pangunahing misyon ng partido sa pamamahala ng bansa. Dapat aniya palakasin ang mga bahaging mahina at iwasto ang mga kamaliang natuklasan sa kasalukuyang epidemiya ng Novel Coronavirus Disease (COVID-19).

Ang paglaban sa epidemiyang ito ay isang malaking pagsubok sa sistema at kakayahan sa pamamahala ng Tsina, dagdag ni Xi.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>