Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Paninirang-puri sa Tsina, dapat itigil

(GMT+08:00) 2020-02-15 15:04:13       CRI
Sinipi kamakailan ng artikulo sa pahayagang New York Times ang pahayag ni Peter Navarro, Direktor ng National Trade Council ng Amerika, na nagsasabing ang Tsina ay lugar na pinanggagalingan ng maraming sakit. Ang pananalitang ito ay paninirang-puri sa Tsina, at hindi ito katanggap-tanggap.

Ang kasalukuyang epidemiya ng novel coronavirus pneumonia (COVID-19) ay totoong unang sumiklab sa Tsina. Pero, may posibilidad na magaganap sa anumang bansa ang ganitong epidemiya. Halimbawa, noong 2009, unang sumiklab sa Amerika ang H1N1 influenza. Kumalat ito sa mahigit 60 milyong tao sa buong daigdig, at ikinamatay ng halos 300 libo. Ito ang unang kasong ipinatalastas ng World Health Organization na Public Health Emergency of International Concern (PHEIC). Sapul noong Setyembre ng nagdaang taon, sumiklab din sa Amerika ang Influenza B. Hanggang sa kasalukuyan, may mahigit 22 milyong may-sakit sa Amerika, at mahigit 12 libo ang nasawi. Ang mga epidemiyang ito ay mas malubha kaysa kasalukuyang COVID-19 sa Tsina. Tatanggapin ba ni Ginoong Navarro kung tawagin ang Amerika na lugar na pinanggagalingan ng mga sakit?

Sa panahong ito ng buong sikap na paglaban ng Tsina sa COVID-19, patuloy pa ring ginagamit ng ilang pulitiko ng Amerika ang bawat pagkakataon, para siraang-puri ang Tsina. Ito ay para sa kanilang pribadong interes, sa halip na kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga tao ng buong mundo. Walang saysay ang ganitong mga pananalita para sa pandaigdig na sistema ng kalusugang pampubliko. Ang populism at racism na pinaninindigan ng naturang mga pulitiko ay lugar na pinanggagalingan ng mga walang batayang akusasyon.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>