Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga nalalabing miyembro ng grupo ng mga eksperto ng WHO, padating sa Tsina

(GMT+08:00) 2020-02-15 16:39:53       CRI
Sinabi kahapon, Biyernes, ika-14 ng Pebrero 2020, ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), na inaasahang darating ng Tsina sa loob ng dalawang araw ang mga nalalabing miyembro ng grupo ng mga ekspertong pandaigdig na ipinadala ng WHO.

Ani Ghebreyesus, magiging 12 ang kabuuang bilang ng mga ekspertong itinalaga ng WHO, at bubuuin nila, kasama ng 12 ekspertong Tsino, ang magkasanib na grupo. Ang misyon nila ay pagkakaloob ng mga impormasyon sa Tsina at ibang mga bansa para sa paglaban sa epidemiya ng novel coronavirus pneumonia (COVID-19), lalung-lalo na sa mga aspekto ng pagkalat ng virus, mga sintomas ng sakit, mga pangmalayuang hakbangin laban sa epidemiya at iba pa, dagdag ni Ghebreyesus.

Ipinahayag din niya ang malasakit sa kalagayan ng pagkahawa ng sakit ng mga tauhang medikal na Tsino na nakikibaka sa epidemiya. Ani Ghebreyesus, nakikipag-ugnayan ang WHO sa mga supplier, para unahin ang pagkakaloob ng mga pang-indibiduwal na kagamitang pamproteksyon sa mga tauhang medikal ng iba't ibang may kinalamang bansa na nasa bungad ng o nangunguna sa paglaban sa epidemiya.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>