Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, pinawalang-bisa ang press card ng 3 mamamahayag ng WSJ

(GMT+08:00) 2020-02-20 11:47:18       CRI

Noong Pebrero 3, 2020, inilathala ng Wall Street Journal (WSJ) ang artikulong sinulat ni Walter Russell Mead, Propesor ng Bard College ng Amerika na pinamagatang "China Is the Real Sick Man of Asia" kung saan dinungisan ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa pakikibaka laban sa epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Miyerkules, Pebrero 19 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinasiya ng panig Tsino na mula sa araw na ito, wala nang bisa ang mga press card ng tatlong mamamahayag ng WSJ sa Beijing.

Ani Geng, paulit-ulit na nagharap ng solemnang representasyon ang Tsina sa WSJ para ipaliwanag ang posisyon ng bansa.

Hiniling din aniya ng Tsina sa WSJ na alamin ang kamalian nito, bukas na humingi ng paumanhin, at imbestigahan at parusahan ang may kagagawan.

Ngunit, hanggang sa ngayon, wala pang anumang bukas at pormal na reaksyon mula sa WSJ.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>