Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, ipinagdiinang ang Tsina at Pakistan ay tunay na kaibigan at kapatid

(GMT+08:00) 2020-02-21 08:01:57       CRI
Nag-usap nitong Huwebes, Pebrero 20, 2020 sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Imran Khan ng Pakistan.

Tinukoy ni Xi na may kompiyansa at kakayahan ang kanyang bansa na pagtagumpayan ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), paliitin sa pinakamababang digri ang epekto ng epidemiya, at masipag na isakatuparan ang target ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan.

Saad ni Xi, nang magsimula ang epidemiya, inihayag agad ng panig Pakistani ang suporta sa panig Tsino, ipinagkaloob ang tulong na materyal, at pinanatili ang lahat ng normal na pagpapalitan ng dalawang bansa. Aniya, nagpapatunay muli ito ng katotohanan na ang Tsina at Pakistan ay tunay na magkaibigan at malapit na kapatid.

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Pakistan, ipinahayag ni Imran Khan ang taos-pusong pangungumusta sa mga mamamayang Tsino na naaapektuhan ng epidemiya ng COVID-19. Lubos na hinangaan niya ang mga ginawang hakbangin ng panig Tsino sa pagpigil at pagkontol sa epidemiya. Aniya, salamat sa mga mabisang hakbangin ng Tsina, hindi kumalat sa buong daigdig ang epidemiya. Dapat pasalamatan at hangaan aniya ng buong mundo ang pagsisikap at natamong bunga ng Tsina sa pagpuksa sa epidemiya.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>