|
||||||||
|
||
Tinukoy ni Xi na sa espesyal na panahon ng buong lakas na paglaban ng mga mamamayang Tsino sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nagpahayag si Pangulong Moon ng pangungumusta at pagkatig sa pamamagitan ng telepono, ito ay nagpapakita ng pagkakaibigan ng Tsina at Timog Korea bilang malapit na magkapitbansa.
Saad ni Xi, hindi sisirain ng epidemiya ang matibay na pundasyon ng pangmatagalan at matatag na pag-unlad ng Tsina, at paliliitin ng Tsina, sa abot ng makakaya, ang epekto ng epidemiya sa pinakamababang digri. Aniya, ang pagsasagawa ng Tsina ng mga mabisang hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ay hindi lamang upang mapangalagaan ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayang Tsino, kundi gumagawa rin ng ambag para sa usapin ng pandaigdigang kalusugang pampubliko.
Nagpahayag naman si Moon ng taos-pusong pangungumusta ng kanyang pamahalaan at mga mamamayang Koreano sa mga mamamayang Tsino. Binigyan aniya ng panig Timog Koreano ng positibong pagtasa ang ginawang napakalaking pagsisikap ng panig Tsino. Nananalig aniya siyang sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Xi, tiyak na pagtatagumpayan ng mga mamamayang Tsino ang epidemiya sa lalong madaling panahon.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |