Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga hakbangin bilang pagsuporta sa komersyo, inilabas ng Tsina sa harap ng epidemiya ng COVID-19

(GMT+08:00) 2020-02-21 16:57:52       CRI
Sinabi ngayong araw, Biyernes, ika-21 ng Pebrero 2020, sa Beijing, ng opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na inilabas kamakailan ng ministring ito ang 20 hakbangin, para suportahan ang mga bahay-kalakal sa pagpapanumbalik ng produksyon, at patatagin ang kalakalang panlabas at puhunang dayuhan.

Ipinahayag ng opisyal ang pag-asang, ang mga hakbanging ito ay makakatulong sa mga bahay-kalakal sa pagharap sa kahirapang dulot ng epidemiya ng novel coronavirus disease (COVID-19), at pagbabawas ng epekto ng epidemiya sa komersyo.

Sinabi rin ng opsiyal, na ayon sa pagtaya, lilikha ang epidemiya ng malaking epekto sa kalakalang panlabas at paghihikayat ng puhunang dayuhan ng Tsina sa unang kuwarter. Pero aniya, nananatili sa loob at labas ng bansa ang mga positibong elemento, at dapat maging optimistiko sa pag-unlad sa dalawang aspektong ito sa buong taong ito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>