Hinimok ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga estudyanteng medikal ng Tibet University, na palakasin ang klinikal na kakayahan, at patibayin ang determinasyon sa paglilingkod sa mga mamamayan.
Winika ito ni Xi sa kanyang liham na ginawa ngayong araw, Linggo, ika-23 ng Pebrero 2020, bilang sagot sa 17 estudyanteng medikal ng Tibet University na nag-iinterno sa isang ospital sa Beijing.
Sa liham, lubos ding pinapurihan ni Xi ang mga tauhang medikal na nangunguna ngayon sa paglaban sa epidemiya ng novel coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi niyang, parang anghel na nakasuot ng puti ang naturang mga tauhang medikal, at ipinakikita nila, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, ang dakilang diwa ng pagbibigay-lunas sa mga may sakit at pagliligtas sa mga naghihingalo.
Salin: Liu Kai