Sa pulong ng mga ministrong pinansyal at gobernador ng bangko sentral ng G20, na idinaos kahapon at ngayong araw, Pebrero 22 hanggang 23, sa Riyadh, Saudi Arabia, binigyan ng mga kalahok ng positibong pagtasa ang mga hakbangin ng Tsina para sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng novel coronavirus disease (COVID-19).
Ipinahayag nina Kristalina Georgieva, Managing Director ng International Monetary Fund; Timothy Adams, Presidente ng Institute of International Finance; Benedict Oramah, Gobernador ng African Export-Import Bank; William Anawaty, ekonomistang Amerikano; at iba pa, na sa harap ng epidemiya, ang maalwang proseso ng pagpapanumbalik ng produksyon ng mga bahay-kalakal sa Tsina ay nagbibigay ng kompiyansa sa mga tao.
Tinaya rin nilang, manunumbalik sa normal na takbo sa ikalawang kuwarter ng taong ito ang kabuhayang Tsino.
Maliit at maikli ang epekto ng epidemiya sa kabuhayang pandaigdig, anila.
Salin: Liu Kai