Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga lugar ng Tsina, ibinaba ang emergency response level sa kalagayang epidemiko ng COVID-19; 409, bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Mainalnd China

(GMT+08:00) 2020-02-24 15:52:13       CRI

Batay sa mga kaukulang batas at regulasyon ng Tsina at aktuwal na kalagayan ng pagpigil at pagkontrol ng iba't-ibang lugar ng bansa sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), isinaayos ng mga lugar ng Tsina ang emergency response level sa kalagayang epidemiko ng COVID-19.

Kabilang dito, ibinaba ng mga probinsyang gaya ng Shanxi, Yunnan, Guizhou, Liaoning, at Gansu, ang lebel ng emergency response sa pagkontrol at pagpigil sa kalagayang epidemiko.

Samantala, ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, bago mag-hating gabi ng Pebrero 23, 2020, 409 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 31 probinsya (kabilang ang rehiyong awtonomo at province-level municipality) at Xinjiang Production and Construction Corps. Bukod dito, 150 ang karagdagang binawian ng buhay, at 620 naman ang bagong pinaghihinalaang kaso. 1846 katao ang karagdagang bilang ng mga gumaling.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>