|
||||||||
|
||
Ayon sa departemento ng kalusugan ng Timog Korea, hanggang Pebrero 26, 2020, umabot na sa 1,261 ang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa, at 12 ang namatay.
Bilang suporta, tinawagan kamakailan ni Xing Haiming, Embahador ng Tsina sa T. Korea, sa mga opisyal ng Daegu at Gyeongsanghuk-Do, mga lugar kung saan lumitaw ang malubhang epidemiya, para ipahayag ang pakikiramay at tulong.
Sa panayam sa Xinhua New Agency, sinabi ni Xing na nakahanda ang Tsina na agarang ibahagi sa T. Korea ang mga karanasan ng paglaban sa epidemiya, para magtagumpayan nito ang epidemiya.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |