Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahalagang katayuan ng Tsina sa global supply chain at industry chain, hindi magbabago dahil sa epidemiya ng COVID-19—Ministri ng Komersyo

(GMT+08:00) 2020-02-28 15:41:13       CRI

Sa online news briefing nitong Huwebes, Pebrero 27, 2020, ipinahayag ng kaukulang namamahalang tauhan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na sa kasalukuyan, walang malawakang paglilipat ng supply chain at industry chain sa Tsina, dahil sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Sa pangmalayuan at pangkalahatang pananaw, yugto-yugto at pansamantala ang epekto ng epidemiya sa supply chain at industry chain, at hindi magbabago ang mahalagang katayuan ng Tsina sa global supply chain at industry chain dahil sa epidemiya.

Ayon kay Zong Changqing, Direktor ng Departamento ng Puhunang Dayuhan ng nasabing ministri, na dahil sa epekto ng epidemiya ng COVID-19, nahadlangan ang transportasyon at logistics, may kakulangan sa yamang tao, at di sabay-sabay ang pagpapanumbalik ng operasyon sa magkakaibang lugar, bagay na nagbunsod ng mga kahirapan sa pagpapanumbalik ng operasyon at produksyon ng mga bahay-kalakal. Aniya, inilunsad na kamakailan ng kanyang ministri ang maraming hakbangin para mapasulong ang pagpapanumblik ng operasyon at produksyon ng industry chain. Unti-unting reresolbahin ang mga namumukod na problema sa proseso ng pagpapanumbalik ng operasyon ng mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng puhunang dayuhan, dagdag ni Zong.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>