Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Yangshipin, itinataguyod ang online job fair

(GMT+08:00) 2020-03-03 18:16:22       CRI
Sa harap ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sinimulan kahapon, Lunes, ika-2 ng Marso 2020, ng Yangshipin, video app ng China Media Group, ang online job fair, para maglingkod sa kapwa mga kompanya at jobseeker.

Ipinagkakaloob ng naturang app ang isang kolektibong online platform, kung saan puwedeng panoorin ng mga jobseeker ang promotion video ng mga kompanya, at ipadala ang kani-kanilang resume.

Hanggang sa kasalukuyan, kalahok sa nabanggit na online job fair ang mahigit isang libong kompanya, at magkakaloob sila ng halos 75 libong trabaho.

Karaniwang sinisimulan tuwing Marso ang recruitment season sa Tsina. Pero dahil sa ipinatutupad na mga hakbangin sa maraming lugar ng bansa bilang pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, hindi puwedeng idaos ngayon ang mga malaking pagtitipun-tipong gaya ng job fair.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>