Beijing, Tsina--Lunes ng hapon, Marso 2, 2020, magkasunod na naglakbay-suri si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, sa gawain ng siyentipikong pananaliksik at panggagamot sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Academy of Military Medical Sciences at School of Medicine ng Tsinghua University.
Inalam niya ang proseso ng pananaliksik at aplikasyon ng mga bakuna, anti-bodies, gamot, at fast testing kits, at kinumusta ang mga dalubhasa't mananaliksik. Nangulo rin si Xi sa talakayan para pakinggan ang kuru-kuro at mungkahi ng mga namamahalang tauhan ng kaukulang departamento at mga mananaliksik.
Salin: Vera