Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

FB LIVECAST - FILIPINO SERVICE - CHINA MEDIA GROUP HINGGGIL SA COVID-19

(GMT+08:00) 2020-03-05 20:06:01       CRI
Narito po ang FB Livecast, handog ni Rhio Zablan, mamamahayag ng Filipino Service, China Media Group hinggil sa pinakahuling impormasyon ng COVID-19.

https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/872206779907966/

MARSO 5, 2020

PAKSA:

1. Update sa mga gamot na panlaban sa COVID-19

2. Bagong datos

Paksa 1

1. Remdesivir

* Ito ay eksperimental na gamot mula sa kompanyang Gilead ng Amerika, at orihinal na ginawa bilang panlaban sa Ebola virus.

* Dalawang clinical trial ang isinasagawa ngayon ng mga siyentista sa 761 na pasyente sa mahigit 10 institusyong medikal sa lunsod Wuhan, lalawigang Hubei.

* Ang isang pagsubok ay idinisenyo para malaman ang epekto ng gamot sa 308 kataong may mahina o katam-tamang impeksyon, samantalang ang isa pang pagsubok ay idinisenyo naman para alamin ang epekto ng gamot sa 453 iba pang may grabeng impeksyon.

* Ayon sa pagsasaliksik sa kontroladong kapaligiran, o sa madaling salita, in vitro, naipakita ng Remdesivir na epektibo ito sa pagpapahinto ng pagkalat ng virus.

2. Chloroquine phosphate

* Ito ay idinebelop noong dekada 50 bilang gamot sa malaria.

* Sa pamamagitan ng in vitro na pagsubok, o pagsasaliksik sa kontroladong kapaligiran, tulad ng Remdesivir, napag-alamang mabisa rin ito sa pagpapahinto ng pagkalat ng virus sa katawan ng pasyente.

* Ito ngayon ay pinanggagamot sa 135 pasyente sa ibat-ibang ospital sa Beijing at lalawigang Guangdong, at susunod na rin itong gagamitin sa lalawigang Hunan.

* 130 sa mga pasyente ay may mahina o katam-tamang impeksyon, samantalang 5 naman ay nasa kritikal na kondisyon. Matapos nilang matanggap ang gamot, hindi na lumala pa ang kondisyon ng mga pasyente.

* 4 sa 5 nasa kritikal na kondisyon ang gumaling, at ang isa pa ay umangat sa katam-tamang kondisyon.

* Ayon kay Dr. Zhong Nanshan, kilalang ekspertong medikal ng Tsina, matapos ang 4 na araw na paggamot gamit ang Chloroquine phosphate, nag-negatibo na sa virus ang mga pasyente, pero, kailangan pa ring sumailalim sa matinding kontroladong pagsusuri ang gamot para maisiguradong totoo nga itong epektibo.

* Sa ngayon, sinabi ni Zhong na isang gramo lamang ng gamot kada isang araw ang ibinibigay sa pasyente para maisiguradong hindi ito magkakaroon ng side effect.

3. Plasma transfusion therapy

* Ang plasma, o ang likidong bahagi ng dugo ay naglalaman ng mga importanteng protina at ibang pang sustansyang kritikal para sa pangkalahatang kalusugan ng katawan ng tao. Ang Transfusion therapy naman ay ang pagsasalin o pag-i-iniksyon sa pasyente ng plasma na kinolekta mula sa mga taong gumaling sa COVID-19, dahil ang plasmang ito ay nagtataglay ng maraming antibodies na epektibo sa pagpapagaling.

* Ayon sa National Health Commission ng Tsina, napagkasunduan ng mga siyentista na ito ay epektibo at ligtas na paraan ng panggagamot laban sa mga simtomas ng COVID-19, lalo na sa mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon. Ito rin ay maaaring gamitin sa paggamot ng SARS at Ebola Disease.

* Hanggang Pebrero 28, 544 pasyenteng gumaling ang nag-donate ng kanilang palsma para sa 245 na nasa kritikal na kondisyon, at bilang resulta, 91 ang nagrehistro ng malaking pagbuti sa kondisyon.

* Mga 200 hanggang 300 milliliters ng purong plasma ang kinukuha sa mga donor kada sesyon, at babalik naman sa normal na lebel ang plasma ng donor sa loob ng isa o dalawang linggo.

4. Favipiravir

* Ito ay gamot na idinebelop sa Hapon laban sa kahit anong virus na may kaugnayan sa ribonucleic acid-isang uri ng substansyang esensyal para sa buhay - kabilang na ang novel coronavirus.

* 80 pasyente ang ginagamot ngayon sa pamamagitan ng Favipiravir sa lunsod Shenzhen, lalawigang Guangdong, at ito ay nagpapakita ng napakahusay na resulta.

* Noong 2017, isinama ng pamahalaan ng Hapon ang Favipiravir sa listahan ng mga estratehikong gamot na maaaring ipanlaban sa mga flu outbreak sa hinaharap.

* Ayon sa Third People's Hospital of Shenzhen, ang ospital kung saan ginagamit ang Favipiravir, gumagaling ang mga pasyenteng tumatanggap ng gamot na ito, na walang anumang adverse effects.

* Ibig sabihin, ito ay mas ligtas gamitin kumpara sa Lopinavir/ritonavir, isang anti-HIV drug, na sinusubukan din sa institusyong ito, pero nagpapakita ng obvious side effects.

Paksa 2

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang magha-hating gabi ng Marso 5, 2020, 139 ang bilang ng bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mainland ng Tsina.

Samantala, 31 ang namatay, at 2,189 ang gumaling sa nasabing araw.

Ayon pa rin sa datos, hanggang kaninang magha-hating gabi, umabot na sa 80,409 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mainland ng Tsina.

Dagdag pa riyan, 52,045 ang pangkalahatang bilang ng gumaling, at 3,012 ang kabuuang bilang ng mga namatay.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>