Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina: palalakasin ang kooperasyong pandaigdig batay sa bukas na pakikitungo

(GMT+08:00) 2020-03-05 21:43:44       CRI

Sinabi Marso 4, 2020, sa regular na preskong idinaos sa Beijing, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mahigpit na sinusubaybayan ng Tsina ang kalagayan ng Novel Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Nananangan aniya ang Tsina sa ideya ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan, at palalakasin ang kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa epidemiya batay sa bukas, maliwanag at responsableng pakikitungo.

Sinabi ni Zhao na noong hapon ng Marso 3, idinaos ng Ministring Panlabas ng Tsina at Azerbaijan, Belarus, Georgia, Moldova, Armenia, Turkmenistan, at grupo ng mga dalubhasa ng Sekretaryo ng Shanghai Cooperaton Organization (SCO) ang video conference.

Dito aniya ay komprehensibong ibinahagi ng mga dalubhasang Tsno ang kalagayan ng epidemiya sa Tsina at karanasan ng Tsina sa paglaban sa epidemiya.

Isinagawa ng iba't ibang panig ang malalim na pagpapalitan, at sumang-ayong lalo pang palalakasin ang pagpapalitan ng impormasyon para magkakasamang mapangalagaan ang kaligtasan ng kalusugan ng rehiyong ito at buong daigdig, dagdag niya.

Sinabi pa ni Zhao na idinaos din ng Tsina at Unyong Europeo (EU) ang isa pang video conference upang malalim na pag-usapan ang gawain ng paglaban sa epidemiya.

Tinukoy ni Zhao na dapat magkakasamang tutulan ang "virus ng impormasyon" at "virus ng publiko."

Kahit walang anumang katibayan, sinabi ng ilang media na ang COVID-19 ay "virus na Tsino;" at ito ay di-responsableng pananalita, saad niya.

Ipinagdiinan niyang ang COVID-19 ay komong hamon na kinakaharap ng iba't ibang bansa ng daigdig, at ang magkakasamang pagsisikap ay siyang tumpak na kalutasan.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>