Inabuloy ng Tsina ang 20 milyong dolyares sa World Health Organization (WHO).
Sinabi ito Marso 9, 2020, sa Beijing, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina. Ipinahayag niya na gagamitin ang naturang donasyon sa mga itinakdang larangang kinabibilangan ng paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), konstruksyon ng sistema ng pampublikong kalusuguan sa mga umuunlad na bansa at iba pa. Patuloy na aktibong susuportahan ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa COVID-19, saad niya.
Sinabi din ni Geng na sapul nang lumitaw ang epidemiya ng COVID-19, sa pamumuno ni Pangkalahatang KalihimTedros Adhanom Ghebreyesus, pinapatingkad ng WHO ang mahalagang papel sa pahimok ng iba't ibang bansa, na palakasin ang ideya ng pagpigil sa epidemiya, harapin ang epidemiya sa siyentipikong pakikitungo, at pataasin ang kakayahan ng sistemang pangkalusugan. Natamo ng aksyon ng Tsina ang malawak na papuri ng komunidad ng daigdig.
Ipinahayag din ni Geng na patuloy na aktibong susuportahan ng Tsina ang kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa epidemiya, magbibigay ng ambag para sa pangangalaga sa kaligtasan ng kalusugang panrehiyon at pandaigdig, at pasusulungin ang konstruksyon ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Salin:Sarah