Sa debatehan ng Ika-43 Sesyon ng Untied Nations Human Rights Council na idinaos kahapon, Martes, ika-10 ng Marso 2020, sa Geneva, Switzerland, sinabi ni Liu Hua, espesyal na kinatawan sa suliranin ng karapatang pantao ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang paraan ng mga bansang kanluranin ay hindi siyang tanging paraan ng paggarantiya sa karapatang pantao, at puwedeng pumili ang iba't ibang bansa ng sariling paraang angkop sa kalagayan ng naturang bansa.
Dagdag ni Liu, ang isyu ng karapatang pantao ay hindi dapat maging kasangkapan ng iilang bansa, para isagawa nila ang pakikialam na pulitikal sa ibang bansa, o ipakitang nakalalamang sila kaysa ibang bansa.
Salin: Liu Kai