Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pangulong ng Tsina at Pakistan, nag-usap; Tsina, patuloy na magbibigay-suporta

(GMT+08:00) 2020-03-18 15:33:46       CRI

Beijing, Tsina—Nag-usap nitong Martes, Marso 17, 2020 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kasalukuyang dumadalaw na Pangulong Arif-ur-Rehman Alvi ng Pakistan.

Diin ni Xi, sa kasalukuyan, sumisiklab ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa maraming lugar ng daigdig. Dapat aniyang magkakapit-bisig na puksain ng iba't ibang bansa ang epidemiya.

Nakahanda aniya ang panig Tsino na gumawa ng mas maraming ambag para pigilan ang pagkalat ng epidemiya sa buong mundo, at patuloy na magkaloob ng suporta't tulong sa panig Pakistani.

Saad ni Xi, kahit anumang pagbabago ang maganap sa daigdig, sa mula't mula pa'y kinakatigan ng Tsina ang Pakistan. Aniya, dapat aktibong pasulungin ng kapuwa panig ang kooperasyon sa mahahalagang larangan at proyekto, at itatatag ang ekonomikong koridor ng dalawang bansa bilang modelo ng de-kalidad na pag-unlad ng Belt and Road. Dapat din aniyang palakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan, katatagan at kaligtasan ng rehiyon, maging ng buong mundo.

Sinabi naman ni Alvi na sa harap ng kalamidad, ang karanasan at kilos ng Tsina ay nagsilbing kapaki-pakinabang modelo ng ibang bansa. Aniya, ang tangka ng iilang puwersa na dungisan at ibukod ang Tsina, sa pamamagitan ng epidemiya ay taliwas sa mithiin ng mga mamamayan, at tiyak itong mabibigo. Nakahanda aniya ang Pakistan na panatilihin ang mahigpit na pakikipagpalitan sa panig Tsino, palalimin ang kooperasyon, at itatag ang ekonomikong koridor ng Tsina at Pakistan.

Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang sumaksi ang dalawang lider sa paglagda ng mga dokumento ng bilateral na kooperasyon. Magkasama rin nilang inilabas ang magkasanib na pahayag tungkol sa pagpapalalim ng all-weather strategic cooperative partnership ng Tsina at Pakistan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>