Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer Tsino at Pangulo ng Pakistan, nagtagpo

(GMT+08:00) 2020-03-18 15:48:59       CRI

Great Hall of the People, Beijing—Nakipagtagpo Martes ng hapon, Marso 17, 2020 si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Pangulong Arif-ur-Rehman Alvi ng Pakistan.

Saad ni Li, ang Pakistan ay matalik na kaibigan ng Tsina. Pagkaraang sumiklab ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Tsina, agarang nagbigay-tulong sa mga mamamayang Tsino ang Pakistan.

Ani Li, nakahanda ang panig Tsino na ibahagi sa panig Pakistani ang karanasan sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, ipagkaloob ang mga kinakailangang materyal ng paglaban sa epidemiya, at magkasamang harapin, kasama ng panig Pakistani, ang hamong dulot ng epidemiya.

Pinasalamatan naman ni Alvi ang ibinigay na tulong ng panig Tsino sa pagharap ng Pakistan sa kalamidad ng locust. Aniya, isinagawa ng Tsina ang komprehensibo't mabisang hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng COVID, at natamo ang positibong bunga. Ito aniya ay mahalagang ambag sa paglaban ng buong daigdig sa epidemiya. Nakahanda aniya ang panig Pakistani na tularan ang karanasan ng Tsina, para magkasamang harapin ang hamong dulot ng epidemiya.

Nagpalitan din ng kuru-kuro ang magkabilang panig hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>