Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, hindi pa nakatanggap ng anumang abuloy na pondo o materiyal mula sa pamahalaang Amerikano

(GMT+08:00) 2020-03-21 13:19:39       CRI

Ipinahayag kamakailan ng opisyal ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na minsan itong nangakong magkaloob ng 100 milyong dolyares sa mga kaukulang bansang kinabibilangan ng Tsina, sa pakikibaka laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Nauna rito, maraming beses ding ipinahayag ng mga opisyal ng Amerika ang katulad na posisyon sa mga okasyon.

Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Biyernes, Marso 20, 2020 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nakatanggap ang panig Tsino ng anumang pondo o materiyal na abuloy sa nagalan ng pamahalaang Amerikano.

Ani Geng, tulad ng nauna niyang isinalaysay, makaraang maganap ang epidemiya, aktibong ini-abuloy ng mga bahay-kalakal, organisasyong di-pampamahalaan, at personahe mula sa iba't-ibang sirkulo ng Amerika ang pondo at materiyal sa panig Tsino para ipahayag ang kanilang pagkatig sa Tsina sa pakikibaka laban sa epidemiya.

Kasunod ng pagiging malubha ng kalagayang epidemiko sa loob ng Amerika, magkakasunod ding nagkakaloob ang iba't-ibang lugar at organisasyong di-pampamahalaan ng Tsina ng tulong sa Amerika.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>