Ipinatalastas kahapon, Martes, ika-24 ng Marso 2020, ng International Olympic Committee (IOC), na dahil sa epekto ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ipinagpaliban nang isang taon ang Tokyo Olympic at Paralympic Games. Samantala, ang mga palaro ay tatawagin pa ring Olympic at Paralympic Games Tokyo 2020.
Ayon sa IOC, ginawa ang desisyong ito, pagkaraan ng teleconference ng IOC, pamahalaan ng Hapon, pamahalaan ng Tokyo Prefecture, at Tokyo 2020 Organizing Committee.
Ayon pa rin sa IOC, ang Tokyo Olympic at Paralympic Games ay puwedeng idaos sa susunod na taon pero hindi dapat lumampas sa tag-init ng 2021.
Ayon sa orihinal na iskedyul, nakatakda sanang idaos ang Tokyo Olympic at Paralympic Games mula Hulyo 24 hanggang Agosto 9.
Salin: Liu Kai