Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina: di-katanggap-tanggap ang bukas na liham ng tatlong media outlet ng Amerika

(GMT+08:00) 2020-03-28 09:45:08       CRI
Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-27 ng Marso 2020, ng Ministring Panlabas ng Tsina ang di-pagtanggap at pagtutol sa bukas na liham sa pamahalaang Tsino, na nilagdaan ng mga tagapaglathala ng New York Times, Wall Street Journal at Washington Post.

Sinabi ng naturang ministri, na ang mga hakbangin ng panig Tsino sa mga mamamahayag ng nabanggit na tatlong media outlet ng Amerika na nakatalaga sa Tsina, ay bilang tugon sa pagpapaalis ng pamahalaang Amerikano sa mga mamamahayag na Tsino sa Amerika at pagsasagawa ng mga restriksyon sa mga media outlet ng Tsina sa Amerika. Wala itong kinalaman sa pagkokober ng naturang mga mamamahayag na Amerikano sa epidemya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Tsina, diin ng ministring ito.

Ipinahayag din ng panig Tsino, na tinatanggap ng Tsina ang pagtatrabaho ng mga dayuhang mamamahayag sa bansa, alinsunod sa mga batas at regulasyon. Hindi sila dapat magsagawa ng diskriminasyong ideolohikal sa Tsina, gumawa ng mga huwad na balita, at lumabag sa propesyonal na etika ng pamamahayag, dagdag ng panig Tsino.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>