Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko nitong Sabado, Marso 28, 2020 ng World Health Organization (WHO), umabot na sa 489,448 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa labas ng Tsina.
Ayon naman sa Associated Press, iniulat ng United Nations (UN) na sa buong daigdig, 86 na empleyado nito ang nahawahan ng COVID-19. Upang mabawasan ang pagkalat ng epidemiya, ang karamihan sa mga empleyado ng UN ay kasalukuyang nagtatrabaho mula sa kanilang bahay.
Salin: Lito