Ayon sa ulat kahapon, Linggo, ika-29 ng Marso 2020, ng Civil Aviation Administration of China, pinalalakas ng bansa ang kakayahan sa pandaigdig na pagkakarga sa himpapawid, para bigyang-ginhawa ang global supply chain ng mga kagamitang medikal, sa harap ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon pa rin sa naturang administrasyon, hanggang Marso 26, isinaoperasyon ng Tsina ang 23 international cargo flight, kung saan inihatid ang mahigit 400 toneladang materyal na medikal.
Pinatingkad nito ang mahalagang papel, para patatagin ang global supply chain ng mga kagamitang medikal.
Salin: Liu Kai