Ipinahayag, unang araw ng Abril 2020, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dahil sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Britanya, aktibong nakikipagkoordina ang Ministring Panlabas ng Tsina sa mga kinauukulang departemento ng Britanya na tulad ng abiyasyong sibil at iba pa, upang madagdagan ang mga pamsamantalang flight sa Britanya para matulungan makauwi ang mga estudyanteng Tsino sa ibayong dagat.
Binigyan-diin ni Hua na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang mga estudyanteng Tsino sa ibang bansa.
Nauna ito, isinaayos na rin ng Tsina ang espesyal na flight sa Iran at Italya para tulungan ang mga estudyanteng Tsino doon.
Salin:Sarah