Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Tsino, ginunita ang mga yumao sa mga porma

(GMT+08:00) 2020-04-04 16:22:31       CRI

Ngayong araw, Abril 4 ay Qingming Festival o Tomb Sweeping Day, tradisyonal na kapistahang Tsino. Sa okasyong ito, maraming Tsino ang nagbibigay-galang at naglilinis ng libingan ng mga yumao sa kani-kanilang tahanan. Sa kasalukuyang espesyal na panahon ng pagpigil at pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), magkakasunod na ginagamit ng mga mamamayang Tsino sa iba't-ibang lugar ang mga sibilisado at luntiang porma para alalahanin ang kanilang pumanaw na kamag-anakan.

Upang mapatatag ang natamong bunga ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, sa kasalukuyang taon, puspusang itinataguyod ng Tsina ang off-site tomb sweeping ways na tulad ng online o cloud tomb sweeping, pag-alala sa mga yumao sa bahay, at pagsasagawa ng serbisyo ng pagpapalinis ng libingan.

Ayon sa resulta ng pagsusuri, lampas sa 90% ng mga respondents ang sumasang-ayon sa pagpapatigil ng on-site tomb sweeping sa panahon ng Pestibal ng Qingming. Ipinalalagay nila na dapat iwasan ang pagtitipun-tipon ng mga tao sa kasalukuyang kalagayang epidemiko.

Para sa mga tao na talagang kailangang magkaroon ng on-site tomb sweeping, pormal na pinasimulan noong Marso 19 ng Departamento ng Suliraning Sibil ng Beijing ang reservation system para magkaloob ng reservation service sa paglilinis ng mga tao ng libingan. Layon nitong iwasan ang malawakang pagtitipun-tipon ng mga tao at paliitin ang panganib ng pagkalat ng virus.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>