Ayon sa pang-araw-araw na ulat ng World Health Organization (WHO) hinggil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, hanggang alas-10 Central European Time, Abril 9, 2020, 82,837 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, at umabot sa 1,436,198 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso.
Samantala, 6,287 ang bagong bilang ng mga pumanaw sa araw na ito, at umabot na sa 85,522 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.
Ayon pa rin sa ulat, alas-9 ng gabi, Abril 9, sinabi ng tagapagsalita ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Britanya na lumabas na sa ICU si Punong Ministro Boris Johnson, at lumipat sa normal na kuwarto. Sa kasalukuyan, maganda ang kalagayan at disposisyon ni Johnson.
Salin: Vera