Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping: Nakahanda ang Tsina na patuloy na tumulong sa ibang bansa sa paglaban sa COVID-19

(GMT+08:00) 2020-04-11 08:03:04       CRI
Kahapon, Biyernes, ika-10 ng Abril 2020, nakipagpalitan ng liham si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Alberto Fernandez ng Argentina, at nakipag-usap din sa telepono kina Pangulong Nicolas Maduro ng Venezuela at Pangulong Andres Manuel Lopez Obrador ng Mexico, tungkol sa pagtulong sa mga bansang ito sa paglaban sa COVID-19.

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina, ipinahayag ni Xi ang pakikiramay at pagsuporta sa pamahalaan at mga mamamayan ng naturang tatlong bansa, sa harap ng epidemiya ng COVID-19. Ipinagkaloob na aniya ng Tsina sa mga bansang ito ang mga tulong na kagamitang medikal, at ibinahagi rin ang mga karanasan sa pagpigil at pagkontrol sa sakit na ito. Patuloy na gagawin ng Tsina ang mga hakbang na ito, bilang tulong sa kanila sa paglaban sa COVID-19, dagdag ni Xi.

Ipinahayag naman ng mga lider ng naturang tatlong bansa ang pasasalamat sa Tsina sa pagtulong at pagsuporta. Sinabi rin nilang, karapat-dapat na tularan ang mga karanasan ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>