Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

FB Livecast: PINAL NA RESULTA NG PANANALIKSIK NG TSINA SA REMDESIVIR, ILALABAS NGAYONG ABRIL

(GMT+08:00) 2020-04-13 18:26:48       CRI

Narito po ang link sa FB livecast na handog ni Rhio Zablan, mamamahayag ng China Media Group Filipino Service:

 https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=644224529473687&id=216675911695636

PINAL NA RESULTA NG PANANALIKSIK NG TSINA SA REMDESIVIR, ILALABAS NGAYONG ABRIL

Nakatakdang ilabas ng Tsina ang pinal na resulta sa pananaliksik nito sa gamot na Remdesivir sa Abril 27.

Ang Remdesivir ay eksperimental na gamot na gawa ng kompanyang Amerikanong Gilead.

Ito ay orihinal na ginawa na panlaban sa Ebola Virus, pero, nadiskubre ng Tsina na may potensyal din ito laban sa Severe Acute Respiratory Syndrome-Corona Virus 2 (SARS-Cov-2), virus na nagsasanhi ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Ang nasabing pag-aaral ay itinuon sa mga pasyenteng may mild hanggang moderate na simtomas.

Tinangka rin itong pag-aralan sa mga pasyenteng may grabeng simtomas, pero, dahil sa kakulangan sa mga boluntaryong kuwalipikado para sa pananaliksik, nagpadesisyunang ito ay kanselahin, at itinuon na lamang sa pag-aaral sa mga pasyenteng may mild hanggang moderate na simtomas.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pananaliksik sa nasabing gamot, at ayon kay Cao Bin, Punong Siyentista ng naturang proyekto, ang paraan ng pag-aaral ay randomized, double-blind, placebo-controlled at ito ay ginagawa sa 270 pasyente sa lunsod Wuhan, lalawigang Hubei.

"Inaasahang lalabas ang resulta sa Abril 27, at ito ang magiging kauna-unahang piraso ng matibay na klinikal na ebidensya sa pagiging epektibo ng nasabing gamot laban sa COVID-19.

Kaugnay nito, isinapubliko, Biyernes ng New England Journal of Medicine ang katulad na pag-aaral sa 53 pasyente mula sa Amerika, Canada, Europe at Hapon, na ginamot gamit ang Remdesivir sa "compassionate" na paraan.

Sa pangkalahatan, 36 sa 53 pasyente ang nagpakita ng pagbuti ng kondisyon, pero, ayon sa mga gumawa ng pananaliksik, ang resultang ito ay: "must be taken with a grain of salt" dahil ang eksperimento ay may maliit na sample size at hindi nakadisenyo para sa metikulosong siyentipikong pag-aaral.

Ayon pa sa naturang pag-aaral, matapos ang panggagamot, 17 sa 30 pasyente ay hindi na kailangang ilagay sa ventilator, samantalang ang death rate ay nasa 13 percent.

Sa kabilang dako, 32 pasyente ang nagkaroon ng ibat-ibang side effect.

Kabilang sa mild side effect ay skin rash, pagtatae, renal impairment at mababang presyon ng dugo.

Samantala, ang mga seryosong side effect naman ay multi-organ dysfunction syndrome, septic shock at acute kidney injury.

Sa komentaryo naman ni Cao Bin, sinabi niyang ang 13% death rate ay kuwestiyonable dahil sa lubhang maliit na sample size at di-kumpletong datos.

Aniya pa, ang pananaliksik ay malabo dahil walang espisipikong datos sa klinikal na simtomas ng mga pasyenteng kabilang sa 68% na hindi na kailangang gumamit ng ventilator.

Ayon naman kay Lan Ke, Direktor ng State Key Laboratory of Virology ng Wuhan University, kailangan pa ng mas maraming pagsusuri sa resulta ng nasabing pag-aaral at kailangan tingnan nang mabuti ang mga side effect na idinudulot ng Remdesivir.

Dagdag pa niya, dahil sa ilang seryosong side effect, ang paggamit sa gamot ay kailangang nasa ilalim ng medikal na superbisyon at kondisyon.

SOURCE:

https://enapp.chinadaily.com.cn/a/202004/13/AP5e93a5b4a3100bb08af07a23.html?

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>