Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkakaisa't pagtutulungan, pinakamalakas na sandata kontra pandemiya - Xi Jinping

(GMT+08:00) 2020-04-16 07:55:08       CRI

Inilabas ngayong araw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang artikulong pinamagatang "Pagkakaisa't pagtutulungan, pinakamalakas na sandata ng komunidad ng daigdig sa hamon ng pandemiya."

Sa artikulo, ipinagdiinan ni Xi, na ang sangkatauhan ay di-maihihiwalay na komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran.

Sa kasalukuyang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ang pinakakinakailangan ng buong mundo ay pagpapalakas ng kompiyansa, pagkakaisa, at pagtutulungan para malagpasan ang hamon ng pandemiya.

Pinasalamatan din ni Xi ang komunidad ng daigdig sa ibinigay na tulong at suporta sa Tsina sa pinakamahigpit na panahon ng bansa.

Aniya, pinahahalagahan at hinding-hindi malilimutan ng Tsina ang naturang pagkakaibigan.

Bilang pagtanaw ng utang-na-loob at pagbalik sa natanggap na kabutihan, laging ibinibigay ng Tsina ang suporta sa iba't ibang bansa, sa abot ng makakaya, para magkakasamang pangalagaan ang kaligtasang pangkalusugan ng daigdig, dagdag ni Xi.

Inulit din ni Xi na alinsunod sa ideya ng pagtatatag ng komunidad ng daigdig na may pinagbabahaginang kinabukasan, nananatiling bukas, transparent at responsable ang Tsina pagdating sa napapanahong pagbabahagi ng mga impormasyon hinggil sa COVID-19, na gaya ng genome sequencing ng virus, lubos na pakikipagpalitan ng mga karanasan hinggil sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, pagpapadala ng mga dalubhasang medikal, at pagkakaloob ng mga materyales na medikal. Layon nitong pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan ng Tsina at buong mundo, saad ng pangulong Tsino.

Taos pusong pinasasalamatan din ni Xi ang pagkilala ng iba't ibang bansa sa pagsisikap ng Tsina para tugunan ang pandemiya at pasulungin ang pandaigdig na pagtutulungan.

Ang artikulo ay inilathala sa Qiushi Journal, flagship magazine ng Communist Party of China (CPC) Central Committee.

Si Xi ay nagsisilbi rin bilang pangkalahatang kalihim ng naturang komite at tagapangulo ng Central Military Commission

Salin: Jade

Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>