Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paghabla sa Tsina kaugnay ng epidemiya ng COVID-19, walang batayan sa kapwa katotohanan at batas

(GMT+08:00) 2020-04-23 10:57:21       CRI
Kaugnay ng pagsampa ng kasong sibil ng Estado ng Missouri ng Amerika laban sa pamahalaang Tsino kaugnay ng di-umano ay di-maayos na paghawak sa epidemiya ng COVID-19, sinabi kahapon, Miyerkules, ika-22 ng Abril 2020, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay walang batayan sa kapwa katotohanan at batas.

Sinabi ni Geng, na sapul nang sumiklab ang epidemiya ng COVID-19, bukas, tranparent, at responsable ang Tsina sa napapanahong pagpapabatid ng impormasyon sa World Health Organization at mga bansang kinabibilangan ng Amerika.

Ibinahagi rin aniya ng Tsina ang genome sequence ng virus, at pinalakas ang pakikipagkooperasyon sa komunidad ng daigdig.

Sinabi rin ni Geng, na batay sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay sa soberanya na itinakda ng pandaigdig na batas, walang hurisdiksyon ang mga hukuman ng Amerika sa mga soberanong aksyong ginawa ng iba't ibang antas ng pamahalaan ng Tsina, sa pagharap sa epidemiya.

Dagdag ni Geng, ang naturang aksyon ng Missouri ay pang-aabuso sa sistema ng paghabla.

Ito aniya ay salungat sa pandaigdig na kooperasyon sa paglaban sa COVID-19, at dapat bale-walain ng hukumang Amerikano.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>