|
||||||||
|
||
Ipinahayag Abril 23, 2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina, na sa Tsina ngayon, walang anumang"wildlife wet market."
Tinukoy din ni Geng na naisabatas na ng Tsina ang pagbabawal sa pangangaso, kalakalan, transportasyon at pagkain ng mga wild animals. Ang ilang pamilihan ng mga produktong agrikultural at pamilihan ng mga seafood ay hindi pamilihan ng mga wild animals.
Sinabi ito ni Geng bilang tugon sa pahayag ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika nitong Abril 22, na nananawagan sa mga bansa na kinabibilangan ng Tsina na isara ang "Wildlife wet market"para mabawasan ang di-kailangang banta sa kalusugan ng mga sangkatauhan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |