Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Facebook live] 3 bakuna ng Tsina kontra Covid-19, pasok na sa phase 2 human trial

(GMT+08:00) 2020-04-28 19:15:00       CRI

https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/266708734503529/

3 BAKUNA NG TSINA KONTRA COVID-19, PASOK NA SA PHASE 2 HUMAN TRIAL

Tatlong bakuna ng Tsina - 1 adenovirus vector at 2 inactivated - ang pasok na ngayon sa phase two clinical trials.

Ayon kay Wang Guiqiang, Direktor ng Departamento ng Infectious Diseases sa First Hospital ng Peking University, may 5 uri ng bakuna ang idenedebelop ngayon ng Tsina, at lahat ito ay maayos na umuusad.

Nagsimula Abril 8, 2020 ang proseso ng pagkuha ng mga boluntaryo para sa Phase 2 Human Trial ng Ad5-nCoV (adenovirus vector vaccine).

Sinabi ni Wu Yuanbin ng Ministry of Science and Technology ng Tsina, ang Ad5-nCov ay ang unang adenovirus vector vaccine sa buong mundo na pumasok sa phase 2 clinical trial.

Limang daang (500) boluntaryo ang mga kalahok sa phase 2, na 5 beses na mas marami kaysa sa bilang ng boluntaryo sa phase 1.

Sa phase 2 trial, paghihiwalayin sa tatlong grupo ang mga boluntaryo-isang grupo na bubuuin ng 250 boluntaryo ay bibigyan ng katam-tamang dosage, isang grupo na bubuuin ng 125 boluntaryo ay bibigyan ng mababang dosage, at ang natitirang 125 ay bubuo sa control group.

Ang adrenovirus vector vaccine, gaya ng Ad5-nCov ay gumagamit ng chemically weakened virus, para maihatid ang mga bahagi ng pathogen sa katawan ng tao, at ito ay bagong uri ng bakuna, na maaaring i-mass produce, ligtas sa pangkalahatan, at makakagawa ng malakas na immune response.

Ang Ad5-nCoV, ay magkasamang idenebelop ng CanSino Biologics Inc. at Institute of Biotechnology ng Academy of Military Medical Sciences.

Samantala, ayon sa preclinical animal studies, ang bakunang ito ay kayang makagawa ng malakas na immune response, at nagpakita rin ng mataas na kaligtasan sa paggamit.

Sa kabilang dako, ang mga adverse reaction na nakita sa unang trial ay kinabibilangan ng lagnat at pananakit sa lugar na pinag-iniksyunan at kasu-kasuhan.

Di-tulad ng phase I trial, na nagsasailalim sa mga boluntaryo sa 14 na araw na kuwarentina sa itinakdang lugar, sa phase 2 trial, ang mga boluntaryo ay maaaring sarilinang magkuwarentina sa bahay.

Sa loob ng 6 na buwan, patuloy na imo-monitor ng mga imbestigador ang kalagayan ng mga boluntaryo, at 4 na beses na bibisitahin ang bawat isa.

Hinggil dito, sinabi ni Zheng Zhongwei, Direktor ng Development Center for Medical Science and Technology ng National Health Commission ng Tsina, na mayroong 8 institusyon sa Tsina ang gumagawa ng bakuna sa 5 teknikal na paraan, at ang mga ito ay: inactivated vaccine; recombinant subunit vaccine; adenoviral vector vaccine; live attenuated vaccine; at nucleic acid-based vaccine.

Ipinagdiinan niyang lahat ng pananaliksik hinggil dito ay naaayon sa batas, at istandard na kagawian.

Sa kabilang banda, ang mga inactivated vaccine naman ay gumagamit ng subok nang teknolohiya at maaaring agad matanggap ng maraming bansa sa mudo dahil sa mataas nitong bisa at kaligtasan.

Ang isa sa mga inactivated vaccine na kakapasok lamang sa phase 2 ay gawa ng Wuhan Institute of Biological Products Co at Wuhan Institute of Virology of the Chinese Academy of Sciences, at ang isa pa ay gawa naman ng Sinovac Research and Development Co Ltd.

Ang inactivated vaccine ay gumagamit ng inaktibo o patay na bersyon ng virus para magdulot ng immune response.

Ito ay ligtas dahil ang patay o inaktibong virus ay hindi makakapagdulot ng sakit.

Ang paraang ito ng pagdedebelop ng bakuna ay kadalasang gingamit para sa mga sakit na gaya ng Hepatitis A, influenza, rabies at polio.

Kaugnay nito, sa naunang pag-aaral ng mga siyentistang Tsino, na isinapubliko sa bioRxiv, isang open access preprint repository para sa mga biological science, nagpakita ng epektibong immune response sa non-human primates, ang inactivated vaccine, na PiCoVacc.

Sa pamamagitan ng systematic analysis ng mga klinikal na senyales, hematology, at biochemical indicator, nadiskubre ng mga mananaliksik na ang bakunang ito ay ligtas.

Bukod sa tatlong nabanggit, mayroon pang mga bakunang idinidebelop ang Tsina na kasalukuyang nasa animal testing phase, at kabilang dito ang live-attenuated vaccine, recombinant protein vaccine at nucleic acid vaccine.

Ang mga ito ay inaasahang papasok sa clinical trial ngayong Abril at Mayo.

Samantala, sinabi naman ni Sun Yanrong, Deputy Director ng China National Center for Biotechnology Development, na inilunsad na ng Tsina ang 27 research project, kasama ang 152 institusyon upang mai-debelop ang mga gamot kontra COVID-19.

Kabilang dito ang Stem Cell Therapy na nagpapakita ng magandang resulta sa mga pasyenteng nasa grabeng kalagayan; Convalecent Plasma Transfusion, na nagamit na sa mahigit 700 pasyente at nagpakita ng "very good therapeutic na resulta," at marami pang iba.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>