Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga gurong Tsino sa Pilipinas, binisita ng Embahadang Tsino

(GMT+08:00) 2020-04-30 14:38:06       CRI

Sa ngalan ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, binisita kamakailan ni Luo Gang, Counselor at Consul General ng Embahadang Tsino sa Pilipinas ang mga overseas Chinese teacher at hinatdan sila ng mga pagkain at suplay medikal.

Positibo si Luo sa disiplina at kontrol sa sarili ng mga gurong Tsino kaugnay ng pandemiya.

Ini-enkorahe din ni Luo ang mga guro na patuloy na sundin ang mga regulasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), palakasin ang sariling proteksyon at magtulung-tulong.

Taos-puso namang nagpasalamat ang mga guro sa pagkalinga at tulong na ibinigay ng Embahada, at ipinahayag nila ang determinasyon para mapagtagumpayan ang kahirapan kasama ng mga kaibigang Pilipino.

Anila pa, may kompiyansa silang mapapawi sa lalong madaling panahon ang epidemiya.

Bukod dito, tinanggap ng 234 na gurong Tsino ang tinapay, gatas, kape, instant noodle, prutas, face mask, mosquito repellent at iba pang suplay na inihanda ng Federation of Filipino-Chinese Association of the Philippines.

Ulat: Sissi

Pulido: Rhio/Jade

Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>