![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ipinahayag Abril, 29, 2020, dito sa Beijing, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, matagumpay na idinaos ng mga bansang Brazil, Russia, India, China at South Africa (BRICS) ang espesyal na pulong ng mga Ministrong Panlabas, at ipinadala ang positibong signal, na palalakasin ang kooperasyon at pagkakaisa para magkakasamang labanan ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Palalalimin din BRICS ang kooperasyon at ito ay mayroong partikular at mahalagang katuturan.
Idinaos Abril 28, 2020 ng BRICS ang espesyal na pulong ng mga Minitrong Panlabas sa harap ng epidemiya ng COVID-19 sa paraan ng video conference.
Lumahok sa pulong si Wang Yi, Ministrong Panlabas at Kasangguni ng Estado ng Tsina, at naglabas siya ng mahalagang talumpati.
Samantala, binigyan-diin ni Geng na nakahanda ang Tsina na patuloy na pasulungin ng naturang 5 bansa ang diwa ng BRICS para magkakasamang labanan ang epidemiya, likhain ang magandang kinabukasan ng kooperasyon at win-win na situwasyon, at pasulungin ang pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |