Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Nobel Laureate, pinabulaanan ang pagdawit ng kanyang pangalan sa maling balitang nag-uugnay ng corona virus sa laboratoryo sa Wuhan

(GMT+08:00) 2020-05-02 12:10:28       CRI
Pinabulaanan kamakailan ni Tasuku Honjo, kilalang immunologist ng Hapon, professor emeritus ng Kyoto University, at Nobel Laureate in Medicine or Physiology, ang balitang ini-ugnay niya di-umano ang novel coronavirus sa laboratoryo sa Wuhan.

Kamakailan, lumitaw sa social media ang mga post na nagsasabing ipinalalagay ni Tasuku Honjo na ang novel coronavirus ay nilikha sa laboratoryo sa Wuhan, Tsina.

Sinabi rin sa nasabing balita na di-umano ay nagtrabaho minsan si Honjo sa naturang lunsod.

Kaugnay nito, ikinalulungkot ni Honjo, ang pagkakadawit ng kanyang pangalan at kanyang pamantasan sa maling akusasyon at maling impormasyon.

Sinabi rin niyang, sa kasalukuyan, dapat ibuhos ang lahat ng pagsisikap, para bigyang-lunas ang mga may-sakit, at pigilin ang pagkalat pa ng sakit.

Ang pagpapalaganap ng mga walang batayang pananalita tungkol sa pinanggalingan ng virus ay lubos na mapanganib at nakakagambala, diin niya.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>