Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

NBC at CNN, "Chinese Puppet" at "Komong Kaaway ng Mamamayan" — Donald Trump

(GMT+08:00) 2020-05-05 13:22:25       CRI

Sa kanyang Twitter post, tinawag kamakailan ni US President Donald Trump ang National Broadcasting Company (NBC) at Cable News Network (CNN) bilang mga "Chinese puppet" at "komong kaaway ng mga mamamayan." Sapul nang batikusin ni Trump ang "Voice of America (VOA)" dahil sa "pagbabalitang pabor sa Tsina," ang nasabing puna ay bagong "kasalanan" na kanyang ibinintang sa dalawang nangungunang mediang Amerikano.

Ang mga impormasyong batayan ng pagpuna ni Trump ay ang mga susunod:

Noong Marso, ibinalita minsan ng CNN ang pagpapadala ng Tsina ng mga tauhan at kagamitang medikal sa Italya kung saan grabeng apektado ng epidemiya. Ini-ulat nito na humihina ang polisyang "Unahin ang Amerika" ni Trump, kaya walang ibang pagpili ang Europa sa pagharap sa epidemiya.

Noong Abril 14, ipinahayag ng mamamahayag ng CNN na palagiang hinahanap ni Trump ang porma upang "bulabugin ang atensyon." Aniya, binatikos ni Trump ang lahat, liban sa kanyang sarili.

Noong Abril 29, ipinalabas ng CNN ang artikulo kung saan inihambing ang modelo ng Tsina at bansang kanluranin sa pagharap sa epidemiya. Anito, sa aspekto ng pagharap sa pagkalat ng pandemic COVID-19, di hamak na mas mabuti ang kilos ng Tsina kaysa iba pang maraming bansa.

Ang naturang mga pagbabalita ng mediang Amerikano tungkol sa Tsina ay katotohanan lamang sa halip ng papuri. Ngunit walang duda, ang mga ito ay nagdudulot ng malaking presyur sa administrasyon ni Trump dahil sa kanyang di-epektibong kilos sa pagharap sa epidemiya. Marahil ito ay nagiging isa sa mga sanhi ng "pagkagalit" ni Trump.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>