Pormal na binuo sa Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) ngayong Martes, Mayo 5, 2020 ang "Koalisyon ng Muling Pagbangon ng Hong Kong" na magkakasamang itinatag ng 1,545 kinatawan mula sa iba't-ibang sirkulo ng lipunan. Layunin ng koalisyong ito na pagsamahin ang mga personahe ng iba't-ibang sirkulo ng Hong Kong, pagtipun-tiponin ang komong palagay, at resolbahin ang kasalukuyang problema ng Hong Kong.
Dalawang dating Punong Ehekutibo ng HKSAR na sina Tung Chee-hwa at Leung Chun-ying, kapwa Pangalawang Tagapangulo ng National Committee ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), ang nahirang bilang chief conveners. Si Tan Yaozong, Kagawad ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ay itinalaga bilang Pangkalahatang Kalihim ng koalisyon.
Sa news briefing ngayong araw, ipinalabas ng Hong Kong Coalition ang "Komong Deklarasyon" kung saan nananawagang igiit ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" at pasulungin ang muling pag-bangon ng Hong Kong.
Salin: Lito