Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Resulta ng pananaliksik ng Nature: Binigay ng Tsina sa buong mundo ang sapat na oras para paghandaan ang COVID-19 pandemic

(GMT+08:00) 2020-05-08 15:58:01       CRI

Inilabas nitong Lunes, Mayo 4, 2020 sa website ng Nature, iginagalang na science journal sa daigdig, ang resulta ng pananaliksik ng mga grupong pansiyensiya mula sa maraming bansang kinabibilangan ng Britanya, Tsina at Amerika. Sa pamamagitan ng modeling, natuklasan ng mga mananaliksik na ang tatlong non-pharmaceutical interventions (NPIs) ay hindi lamang mabisang pumigil sa pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa Tsina, kundi nagwagi rin ng oras para makapaghanda ang buong mundo sa banta ng pandemiya.

Tinukoy ng nasabing pananaliksik na kung hindi isinagawa ang naturang NPIs, posibleng lumaki ng 67 ulit ang kaso ng COVID-19 sa loob ng Tsina.

Ang nasabing pananaliksik ay ginawa ng mga grupo ng pananaliksik mula sa University of Southampton ng Britanya, Fudan University ng Tsina, Wuhan Center for Disease Control and Prevention, Harvard Medical School at Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health ng Amerika, at iba pa.

Anang pananaliksik, ang NPIs ay mahalagang bahagi ng pagharap sa epidemiya ng kalusugang pampubliko. Isinagawa ng Tsina ang tatlong uri ng NPIs, kabilang ang limitasyon sa paglalakbay sa pagitan ng mga lunsod, pagkilala at pagkuwarantina ng mga kaso sa maagang panahon, at limitasyon sa kontak ng mga tao at social distancing.

Ipinakikita ng resulta ng nasabing pananaliksik na mabisang napigilan ng mga NPIs ang pagkalat ng pandemiya ng COVID-19 sa Tsina, naiwasan ang paglitaw ng mas masamang kondisyon, at napabagal ang bilis ng pagkalat ng virus sa buong mundo.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>