Sa artikulong inilabas kahapon, Biyernes, ika-8 ng Mayo 2020, sa pahayagang The Guardian ng Britanya, pinuna ni Kevin Rudd, dating Punong Ministro ng Australya, ang mga media outlet ng News Corporation ni Rupert Murdoch, sa pagsali nito sa pagpapalaganap ng teorya ng sabwatang di-umanong nilikha ang novel coronavirus sa isang laboratoryo sa Wuhan, Tsina.
Layon nito aniyang tulungan si Pangulong Donald Trump ng Amerika, na muling magwagi sa halalang pampanguluhan.
Sinabi rin ni Rudd, na sa kalagayang wala pang iksaktong impormasyon tungkol sa pinagmulan ng virus, ang paggawa ng mga media outlet ni Murdoch ng mga ulat na walang batayan at hindi angkop sa katotohanan, ay salungat sa responsibilidad ng media.
Salin: Liu Kai