Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, laging iginigiit ang pagpapahalaga sa mga mamamayan at buhay

(GMT+08:00) 2020-05-09 13:45:13       CRI

Sinabi nitong Biyernes, Mayo 8, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na nitong nakalipas na ilang buwan, walang tigil na binatikos ng ilang opisyal na Amerikano ang sistemang pulitikal ng Tsina, dahil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, at hindi ito katanggap-tanggap sa panig Tsino.

Kaugnay ng pananalita ng opisyal na Amerikano na magkaiba ang sistema ng Amerika at Tsina, saad ni Hua, may pagkakaiba ang dalawang pamahalaan sa isang aspekto, ibig sabihin, sa mula't mula pa'y iginigiit ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pamahalaang Tsino ang pagpapahalaga sa mga mamamayan at buhay, at buong lakas na ginagamot ang bawat nagkasakit ng coronavirus.

Dagdag niya, walang kontradiksyon sa pagitan ng mga sistemang pulitikal ng Tsina at Amerika, at maaaring may-harmonyang makipamuhayan sa isa't isa ang dalawang bansa. Ito ay angkop sa komong interes ng kanilang mga mamamayan.

Ani Hua, sa harap ng pandemiya, dapat isaisang-tabi ang pagkakaiba sa ideolohiya at sistemang pulitikal, dahil ang pinakamahalaga'y pangangalaga sa kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>