|
||||||||
|
||
Ang Mayo 18 ay International Museum Day.
Sa ilalim ng temang"Museums for equality: Diversity and Inclusion," ipinapalabas sa Nanjing Museum ng Tsina ang ibat ibang aktibidad, na kinabibilangan ng eksibisyon ng mga relikyang pangkultura na umaakit sa pinakamaraming atensyon ng mga tao.
Dahil sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ang "cloud visit" sa mga museo ay isang ring magandang pinagpipilian.
Samantala, sa Beijing, ipinalabas ng mga museo ang 50 "cloud exhibition" sa kanilang mga opisyal na website at mga social media, na kinabibilangan ng 15 live broadcasting.
Bukod dito, bilang pasasalamat sa mga tauhang medikal na nakipaglaban sa virus sa frontline, libre para sa kanila sa buong 2020 ang pagpasok sa 100 museo sa Shanghai na kinabibilangan ng Shanghai Museum, Shanghai Museum of Glass at iba pa.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |