Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-18 ng Mayo 2020, ni Pangalawang Ministrong Panlabas Ma Zhaoxu ng Tsina, na ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-73 Sesyon ng World Health Assembly (WHA) ay nagsusulong ng ideya ng pagtatatag ng pandaigdigang komunidad ng kalusugan para sa lahat.
Dagdag ni Ma, sa kanyang talumpati, inilahad ni Xi ang mga paninindigan ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, at iniharap ang mga mungkahi para sa paglaban sa pandemiya sa buong daigdig.
Ani Ma, umaasa ang Tsina na pasusulungin ng mga ito ang pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa COVID-19, at palalakasin ang kompiyansa sa pagpuksa ng sakit na ito.
Umaasa rin ang Tsina na patitingkarin ng talumpating ito ang pangmalayuang papel para sa pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyong pangkalusugan at pagpapabuti ng pandaigdig na sistema ng pangangasiwa sa kalusugang pampubliko, dagdag ni Ma.
Salin: Liu Kai